Hay naku eto na naman itong subject na ito ng mga bata. Okay na sana itong subject na ito ang kaso eh, ang tinuturo dito eh Cross Stitch. Amp....... Ano ba ang gusto nyo matutunan ng anak nyo? Cross Stitch o First Aid? Cross Stitch o cooking? Bakit naman cross stitch ang tinuturo? Dahil ba sa commission ng teacher sa mga cross stitch set designs? Eh ito namang mga mommy, sa totoo lang hindi naman anak nyo ang gumagawa kundi kayo, o di ba???? O di kaya ang yaya !!!
Hindi ba dapat matuto ang mga anak natin ng First Aid na magagamit nila kung me emergency? O di kaya simple cooking kaya - nang matuto ang mga bata kahit man lang mag-saing, mag prito ng itlog o hotdog? O di kaya, turuan gumamit ng makina o sewing machine? O di kaya mag plantsa ng damit?
So ito, opening na naman ng school, tyak me cross stitch na naman! Kung hindi cross stitch - basket weaving !!!!!! O Kaya sand art !!!!!!!!!!! Paper clay art!!!!!!!! Ampootah!!!!!!!!!!!!!! DepEd anong ginagawa nyo?