Bernie's posts with tag: dlsu
O di ba? Taon taon ganyan dito mamya watch what the DepEd will say. Buti na lang Linggo today kundi, patay ang mga parents at students. Lalo na sa baha sa Taft. Buhay na naman ang tulay na kahoy sa Bro. Andrew Bldg. na pag-aari ng eskuela. Kahoy nga itong tulay nila na tila walang panggawa ng bakal na tulay sa mahal ng matrikulang binayaran namin nung Abril. Ayun, tutulay na naman ang anak ko sa mga susunod na araw, sanay wag siyang mahulog. Hehehehe.
Danga't kasi hindi inayos nung summer yan! Bagkos naghukay ng naghukay tapos tinapunan ng buhangin ang hukay....... o ayan...... barado ang Taft. Waaaaaaaahhhhhhhhhh!
When summer is over. Lapit na naman pasukan. Nag-uumpisa na umulan. Baha na naman sa Taft Avenue. Malapit na naman bumagyo, malapit na naman magsuspinde ng klase kapag nakapasok na ang lahat. Malapit na naman tayo makinig ng news sa umaga kung suspended ang klase dahil wala pang storm signal. Malapit na naman magsuspinde ng klase kung signal number two sabay aaraw ng husto kapag umuwi na ang lahat. Hindi na naman nilinis ang drainage sa LaSalle matapos ang mahabang tag-init. Lalo na cguro ngayon, dahil sa hukay ng Maynilad sa side ng La Salle na tinabunan lang ng buhangin noong Pebrero, tyak barado na ang drainage dun. Hay, o pano? magkitakita tayo dun. Hintayin na lang natin ang mga sunod sunod na bagyong darating. Parang nakikita ko na naman ang grabeng traffic sa Taft Avenue lalo na sa gabi. Hay, terno pa ito sa mahal ng gasolina. Parang feel ko na naman ang baha mula sa corner ng Quirino Avenue hanggang sa Goks Bldg. Parang feel ko na naman ang two hours pila sa St. Scho.at Vito Cruz. E taon taon naman ganun. Kaya sanay na rin ako. Oh well, sana lang me konting planning, who ever thought of cleaning the drainage during summer????? Wala. Kasi nga summer kaya dapat i-plano ang outings. Syempre Bora muna. Matapos ang summer, dusa na naman sa baha. Galing no? Makikita ko naman yung tulay na kahoy sa Bro Andrew Bldg. Ilalabas na naman nila yun, sana naman walang mahulog dun sa tulay na kahoy na yun na nagsisilbing tulay patungo sa sumusundong sasakyan. Aba'y sa taas ng matrikula, isang tulay na kahoy na kasing lapad ng palad ang tutulayan na naman ng mga estudyante kapag abot na sa ikalawang hakbang ang baha dun sa Bro. Andrew Bldg. Pagalingan na lang bumalanse. Taon taon naman ganun dun. This is the time again................ I am looking forward ......... Anyway, in a few months, Christmas na din uli. Wala na ding baha. Tapos Summer....... hay Bora na ulit. O pano...... ingat!
|  | My son made me feel like I've won the lottery! He's a certified dean's lister at DLSU. (See number 1265) I thought he was just joking when he took me to DLSU's website and showed me it's official. Congrats Kim! Keep up the good work! Sinisingil na ako ng premyo nya,hehehe. |
Under Prof. Martin Ronda, freshmen studes get to show what they learned after 10 sessions of dance training from their bemedaled prof. They learned samba, chacha, batucada, firedance, etc. 267.AVI (5.9 MB)
ChaCha solo 292.AVI (8.2 MB)
Samba Solo 278.AVI (11.2 MB)
PE Class of Prof. Ronda featured Samba, ChaCha, Swing, Batucada etc. and showed us parents what our children have learned from their PE class. I was amazed to see my son danced.They may not be that graceful but all of them showed a lot of enthusiasm to dance. The dance was held at the Gym of DLSU Razon Bldg. on December 1, 2007. Animo La Salle! 294.AVI (12.2 MB)
| |