Bernie's posts with tag: lasalle brothers
When summer is over. Lapit na naman pasukan. Nag-uumpisa na umulan. Baha na naman sa Taft Avenue. Malapit na naman bumagyo, malapit na naman magsuspinde ng klase kapag nakapasok na ang lahat. Malapit na naman tayo makinig ng news sa umaga kung suspended ang klase dahil wala pang storm signal. Malapit na naman magsuspinde ng klase kung signal number two sabay aaraw ng husto kapag umuwi na ang lahat. Hindi na naman nilinis ang drainage sa LaSalle matapos ang mahabang tag-init. Lalo na cguro ngayon, dahil sa hukay ng Maynilad sa side ng La Salle na tinabunan lang ng buhangin noong Pebrero, tyak barado na ang drainage dun. Hay, o pano? magkitakita tayo dun. Hintayin na lang natin ang mga sunod sunod na bagyong darating. Parang nakikita ko na naman ang grabeng traffic sa Taft Avenue lalo na sa gabi. Hay, terno pa ito sa mahal ng gasolina. Parang feel ko na naman ang baha mula sa corner ng Quirino Avenue hanggang sa Goks Bldg. Parang feel ko na naman ang two hours pila sa St. Scho.at Vito Cruz. E taon taon naman ganun. Kaya sanay na rin ako. Oh well, sana lang me konting planning, who ever thought of cleaning the drainage during summer????? Wala. Kasi nga summer kaya dapat i-plano ang outings. Syempre Bora muna. Matapos ang summer, dusa na naman sa baha. Galing no? Makikita ko naman yung tulay na kahoy sa Bro Andrew Bldg. Ilalabas na naman nila yun, sana naman walang mahulog dun sa tulay na kahoy na yun na nagsisilbing tulay patungo sa sumusundong sasakyan. Aba'y sa taas ng matrikula, isang tulay na kahoy na kasing lapad ng palad ang tutulayan na naman ng mga estudyante kapag abot na sa ikalawang hakbang ang baha dun sa Bro. Andrew Bldg. Pagalingan na lang bumalanse. Taon taon naman ganun dun. This is the time again................ I am looking forward ......... Anyway, in a few months, Christmas na din uli. Wala na ding baha. Tapos Summer....... hay Bora na ulit. O pano...... ingat!
| |
|